Tagalog Jokes – Best Funny Tagalog Quotes

Iyong-iyo na ako! Iyong-iyo na ako!! – Yang ang sabi ng ngongo pagbaba sa roller coaster.

Pedro: Pre, kelan birthday mo?
Juan: Feb 14, pre.
Pedro: Anong taon?
Juan: Syempre, taun-taon! Alanganamang sometimes, diba? Wag kang tanga!

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – Isang girl na may malunggay sa ngipin

Sa kanto …
Pedro: Juan sabihin mo nga dyan sa kano, yung bag nya bukas baka may mahulog.
Juan: Hey yow men! Your bag is tomorrow, cow is falling. HAHAHA

Teacher: Class we were having a speed spelling test. Juan spell the word ambulance.
Juan: A ….M … ahhhh… B..
Teacher: FASTER!
Juan. A..M….B…U..L…
Teacher FASTER!!!
Juan: weee wooo wee woooo weee woooooo …

Pare 1: Pare, sa wakas nag ka GF na rin ako!!
Pare 2: Bakit!? Ngayon ka lang ba nagka GF?
Pare 1: Oo pare! Sobrang higpit kasi ni misis eh! Ngayon lang ako nakalusot!

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw sayo. Tandaan mo hindi ka sardinas.

See Also: Tagalog Pick Up Lines

Tatlong Baliw Nagkukwentuhan
B1: Ako presidente dito!
B2: Wala ka sakin, ako si Presidente Trump, presidente ng America.
B1: Sino nagsabi?
B2: Ang Diyos.
B2: At kailan kita sinabihan?

Sa isang job interview …
Manager: Okay! Ano ba alam mo?
Applicant: Alam ko kung saan nakatira asawa mo at kung sino kabit mo.
Manager: Tanggap ka na!

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – Alam mo ikaw ang susi ng buhay ko.

Sa exam!
Guro: Ano to?
Estudyante: Prayer ko po, ma’am!
Guro: At bakit answers ang nakasulat?
Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko!

May isang lasing sa daan. Nakita siya ng pulis!
Pulis: Hoy, umuwi ka na lasing ka.
Lasing: Hindi ako lasing!
Pulis: Lasing ka! Hindi mo ba ako nakikilala?
Lasing: Nakikilala kita. Pulis ka. E ako kilala mo?
Pulis: Hindi
Lasing: Eh! Ikaw ang lasing. Umuwi ka na.

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – yaya, natanggal mo yung mantsa sa barong ko?

See Also: Hugot Lines Love

Nanay: Anak igisa mo na yang sardinas para may makain tayo!
Anak: Kakaliskisan ko pa po ba?
Nanay: Syempre naman, tanggalan mo na din ng hasang ng masulit yang katangahan mong bata ka!

Wife: Dear, ano regalo mo sa 25th Anniversary natin?
Husband: Dalhin kita sa Africa
Wife: Wow! How sweet naman. Eh sa 50th Anniversary natin?
Husband: Susunduin na kita.

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – Kapag trust ang nabutas siguradong tatay ka na bukas

Mga baliw
Juan: Pedro, sabi ni Marko di na raw niya masyadong kinakausap ang sarili niya.
Pedro: Eh, di mabuti magandang sinyales yan gumagaling na siya eh, ano ba raw dahilan bakit di na niya kinkausap sarili niya?
Juan: Eh, kasi magkagalit daw sila.

Juan: Pre, musta?
Berto: Eto, nagagalit saken ang misis ko kapag inuuwi ko sa bahay yung mga hindi ko natapos na trabaho.
Juan: Bakit, ano bang trabaho mo?
Berto: Embalsamador.

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – Pangit ka man sa paningin nila, pero sa tingin ko tama sila

Anak: Lagi nalang akong mali! Hindi nako gumawa ng tama! Hindi niyo nako mahal!
Nanay: Anak, nagkakamali ka.
Anak: Mali na naman?

English Moment
Teacher: Juan i-english mo ito.
Juan: What Ma’am?
Teacher. Ang uwak ay hinang-hinang naglakad.
Juan: The wak wak weak weak wok wok.

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – yaya, lagay mo yung pesto sa ref

Dad: Bat may pasa ka anak?
Son: Nakipag-away po ako!
Dad: Astig! Sino nakaaway mo?
Son: Si Tomas po yung tambay sa tindahan.
Dad: Tara resbak tayo!!!
Son: Wag na dad! Nakipag break na ako sa kanya. I hate him. I hate him so much dad!!

Mental Patient.
Isang pasyente sa mental kumakanta habang nakahiga sa kama. Pagkatapos niyang kumanta, bumaligtad siya tapos kumanta ulit.
Nurse: Bakit ka bumaligtad?
Mental Patient: Side B na kasi eh.

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – Nakakapagpabagabag ang may kabag

Killer: Father mangungumpisal po ako …
Father: Ano ba kasalanan mo???
Killer: Pumatay po ako ng 20 katao ..
Father: Bakit ??
Killer: Kasi po naniniwala sila sa Diyos. Kayo po ba naniniwala?
Father: Dati, pero ngayon trip-trip na lang.

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – Natuto ako ng religion kay itay. Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na.

Also Read: Hugot Lines English

Driver: Yung mga panget, pwede ng bumaba. May checkpoint kasi sa unahan. Pabor lang.
Pasahero: Tapos kuya? Sino na po mag ddrive ngayon?

Nanay: Desa! Sabi ng teacher mo bobo ka raw. Kahit 1 to 10 lang hindi mo kayang bilangin.
Desa: Mas bobo naman si tatay! Narinig ko sa kanya kagabi. Sabi niya. “Tama na, Inday …” Hanggang tatlo lang kaya ko!”

Teacher: Mario, Kilala mo ba si Jose Rizal?
Mario: Hindi po, Ma’am.
Teacher: Greg, Kilala mo ba si Jose Rizal?
Greg: Hindi rin po Ma’am.
Teacher: Wala ba sa inyo ang nakakakilala kay Jose Rizal?
Juan: Ma’am, baka nasa kabilang section siya.

Girl: Sabihin mo “feather” ng sampung beses.
Boy: Feather (10x)
Girl: Anong english ng pakpak?
Boy: Feather!
Girl: hahaha Mali! Wings kaya.
Boy: Sige, ako naman. Sabihin mo “ngayon” ng sampung beses.
Girl: Ngayon (10x)
Boy: Kailan mo ako sasagutin?
Girl: Ngayon!
Boy: Sabi mo yan ha!

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – SI inay ang nagturo sa amin ng weather. Lintek talaga kayo, ano ba itong kwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!

Also Read: Hugot Lines Patama

Zodiac Sign
Pare 1: Pre anong zodiac sign mo?
Pare 2: (di alam zodiac sign. nagisip pa) hhmmm.. ikaw muna?
Pare 1: cancer, ikaw?
Pare 2: Goiter
Pare 1: Parang baliw to. Wala namang ganun zodia sign ha?
Pare 2: Hindi joke lang. Ulcer talaga.

Magkaklase
Klasmeyt1: Klasmeyt, hulaan mo ugali ko, nagsisimula sa letter A.
Klasmeyt2: Approachable?
Klasmeyt1: Mali!
Klasmeyt2: Amiable?
Klasmeyt1: Mali parin!
Klasmeyt2: O sige, siret na.
Klasmeyt1: ANEST. hehehe

You might also want to read: Tagalog Love Quotes

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – Juan, kapag tinanong kita, sagot ka ng mabilis ha.

Kalabaw
Bf: Babes, sinapak ko yung nakasalubong ko kanina. Badtrip! Sabihan ba naman akong mukhang magsasaka pag katabi kita!
Gf: Sinabi nya yun? Wag ka na magalit babes, marangal naman ang magsasaka. Bakit niya sinabi yun?
Bf: Kasi mukha ka daw kalabaw!!!
Gf: Nasaan na yung buwisit na yan? Asan na??

Wife: Bwisit ka! Lagi kang umuuwing lasing! Naaasar na tuloy ako sa mukha mo!
Husband: Pero mahal, kung hindi ako lasing, ako naman ang maaasar sa mukha mo!

“F”
Tatay: Anak! Ano itong F sa card mo ha!
Anak: (Nag-iisip) Tatay, Fasado po ibig sabihin niyan.
Tatay: Ahhhhh … akala ko Ferfect.

Sa isang bar …
Boy: Hi Miss, want some drinks?
Girl: No, thanks. It’s bad for my legs.
Boy: Bakit? namamaga ba?
Girl: No, bumubukaka kapag lasing.

Magnanakaw
Pepe: Ikaw nanaman! Tatlong beses mo na akong hinoldapan ngayong taon ahh!
Holdaper: Ganun talaga ang business. Kailangang alagaan ang mga customers.

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – Alam mo pare ang brief ko parang sinehan, now on it’s 3rd week.

Read Also: Tagalog Hugot Lines

One day, BF gave a gold ring as a gift to GF.
BF: I bought this ring because of a 4-letter word.
GF: L.O.V.E.
BF: hindi ahh! S.A.L.E!!

Girl One: Aagawin ko bf mo!
Girl two: Kung kaya mo.
Girl one: Kung mag-asawa nga naghihiwalay, bf pa kaya.
Girl two: Kung bulkan nga sumasabog, mukha mo pa kaya?

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – May nag-eexam ba diyan sa ngipin mo? one seat apart eh.

Tumambling sa skul
Anak: Tay, tumambling po ako sa skul.
Tatay: Diba sinabi ko sayo na huwag kang tumambling kasi makita panty mo?
Anak: Hindi naman ehh!! Nilagay ko kaya sa bag ang panty ko.

Bond Paper
Anak: Tay, penge ng pera. May project kami. Bibili ako ng cocomban.
Tatay: Ano ka ba naman. Ang tanda-tanda mo na, hanggang ngayon cocomban parin ang tawag mo!
Anak: Ano po ba ang tama?
Tatay: Bomb paper!

Doc: Anong nangyari sa tenga mo?
Nene: Ganito kasi yan doc, habang nagpaplantsa ako ay may biglang tumawag aksidente kong na pick up ang plantsa.
Doc: Eh, bakit dalawang tenga mo ang nagkaganyan?
Nene: Tumawag ulit doc.

Tagalog Jokes
Tagalog Jokes – Tay ano ang ibig sabihin ng ‘idk’

See Also: Love QuotesInspiring Love Quotes

Nanay: Robert, hugasan mo nga yung isda at iluluto ko na.
Robert: Ano nay? Okay ka lang? Bakit pa huhugasan e malinis na po yan kasi sa tubig nakatira.
Nanay: Pumunta ka nga ditong bata ka para mapalo kita.

Sa kweba
Pareng Juan: Pare, alam mo ba tawag sa paniki na mababa ang lipad?
Pareng Boyet: Hindi eh! Ano ba pare?
Pareng Juan: Lowbat pare! Lowbat!

Mag kumare
Kumare1: Kumare, pwede bang dito muna ako? Naglayas ako sa amin eh. Buntis kasi ako …
Kumare2: Diba dapat dun ka pumunta sa nakabuntis sayo?
Kumare1: Kaya nga .. Andiyan ba si pare?

Leave a Comment