Tagalog Hugot Lines

Tagalog Hugot Lines na makakarelate ka.

Kung isa ka sa mga nagddrama, nageemote at mahilig humugot, siguradong swak na swak ka dito sa mga tagalog hugot lines na ito.

Tagos sa puso ang lahat ng nakasulat dito at tiyak na hindi lang ikaw ang tatamaan dito, kundi pati rin yung taong pinag-aalayan mo ng mga tagalog hugot lines na ito.

Kung napunta ka sa post na ito, sigurado ay naghahanap ka ng mga tagalog hugot lines. Hindi pare pareho ang kapalaran ng tao lalo na sa pag-ibig.

tagalog hugot lines

Pwedeng ikaw ay wasak, iniwan o nasasaktan kaya gusto mong magbasa ng mga tagalog hugot lines. Kaya heto, basahin lahat ng mga tagalog hugot lines na siguradong magugustuhan mo.

Darating yung araw na kung saan sasabihin mong, “sana hindi nalang tayo nagkakilala.”

Yung madali namang iwasan yung taong gusto mo. Mahirap lang talaga iwasan yung nararamdaman mo.

tagalog hugot lines

Ang sarap palang umasa, lasang tanga.

Bakit hindi nalang magtagpo ang mapagmahal at seryoso tapos hayaan nalang nating maglokohan ang timer at manloloko?

Kung mahal ka talaga nya, sana una pa lang di na siya nagloko pa.

Kung mahilig ka sa mga love quotes basahin niyo naman ito: Inspiring Love Quotes and Sayings

tagalog hugot lines
tagalog hugot lines

Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo lang. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya. Naunahan ka lang.

Kahit na magpakamatay ka sa harap niya, kung talagang ayaw niya sayo wala kang magagawa kundi mag move-on.

Hindi tamang gumamit ka ng ibang tao para maka move-on. Ginago mo na nga ang sarili mo, nakasakit ka pa ng iba.

Wala naman masama pag magmahal ka ng sobra-sobra. Basta ba, wag lang sosobra ng isa.

tagalog hugot lines

Hindi ka tanga kung nagmamahal ka nang sobra. Mas tanga ang taong minamahal na nga, pero nakukuha pang maghanap ng iba.

Nakangiti ako hindi dahil masaya ako. Ngumiti talaga ako para patunayan sayo na nandyan ka man o wala, itutuloy ko ang buhay ko.

Ang sorry ay para sa mga bagay na hindi sinasadya. At hindi para sa mga bagay na paulit-ulit na ginagawa.

Kapag nangako at di mo tinupad, hindi dapat pangako na napako ang tawag doon. Dapat paasa.

tagalog hugot lines

Kapag mahal mo, ipaglaban mo. Pero kung pinagmumukha ka nang tanga, iwan mo na.

Ano ang papakinggan mo, ang isip na nagsasabing tama na o ang puso mo na nagsasabing go pa?

Yung gustong gusto mo ng umiyak pero wala kang magawa kung hindi ang tumingala para hindi tumulo yung luha.

Mas okay pa yung mahulog ka sa mabahong kanal kesa naman sa taong hindi ka mahal.

tagalog hugot lines

Masaya na siya dun, dapat ikaw maging masaya ka na din.

Kung mahal mo ang isang tao ipakita mo sa kanya. Hindi yung parang nag-upload ka ng pictures sa facebook, tapos ipa-private mo lang pala.

Minsan kung sino pa yung rason mo kung bakit ka masaya. Sya din ang rason kung bakit masasaktan ka ng sobra.

Ang babae hindi pinapaiyak, kasi sa unang parte ng istorya, nanligaw ka kasi pinangarap mo siya.

May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap eh yung na sayo na pinakawalan mo pa.

Wag mong isiping matagal. Ang mahalaga, darating.

Nabubuhay tayo hindi para bumitaw at bumigay, kundi para lumaban at matuto.

May mga taong di payag na mawala ka. Pero di naman gumagawa ng paraan para manatili ka.

Leave a Comment

5K Shares
Share3
Share
Tweet
Pin5K